350
Resto ni Neri Naig muntik masunog
By

Resto ni Neri Naig muntik masunog

Kamuntikan na umanong nilamon ng apoy ang bagong negosyo ni Neri Naig na Neris Not So Secret Garden.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ng misis ni Chito Miranda ang kuha ng makapal na usok malapit sa resto.

Aniya, “Nagsiga kase ang caretaker ng bahay sa baba, ang lakas ng hangin, ayun ang bilis kumalat.”

View this post on Instagram

Kamuntikan na ang @nerisnotsosecretgarden na masunugan. Nagsiga kase ang caretaker sa baba, ang lakas ng hangin, ayun ang bilis kumalat. Buti na lang teamwork ang Neri’s at kahit papaano di umabot sa garden. At ang bilis rumispunde ng fire department ng Alfonso. At syempre kay Vice Mayor Salamat, sobrang salamat sa pagtulong agad sa amin. At sa mga staff ng Wild Juan para ibigay sa amin ang extra fire extinguisher. Maraming salamat po! Since nadamay ang kuryente namin, at sana maayos ang kuryente bago mag gabi, bukas pa rin kami pero 2pm na po ang bukas at kailangan pang maglinis sa garden. Habang naghihintay na maayos ang kuryente namin, candle light dinner sa ihawan po tayo! Mas mukhang romantic! Ihaw ihaw muna po tayo ngayon at fishball, kwekwek, kikiam, chicken balls! Hopefully magkakuryente na within the day at para makapaghanda kami ng mga main course namin. Everyone is ok. Nagtatawanan ulit.

A post shared by neris not so secret garden (@nerisnotsosecretgarden) on

Mabuti na lang umano ay teamwork ang kanyang staff at kahit papaano ay hindi umabot sa garden ang apoy.

Pinasalamatan din nito si Alfonso, Cavite City Vice Mayor Randy Salamat sa pagtulong agad sa kanila pati na sa mga staff ng Wild Juan na nagbigay sa kanila ng extra fire extinguisher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?