661

By

Respeto sa privacy: Angelica nag-sorry sa fan sa pagtangging magpa-picture

Humingi ng paumanhin ang aktres na si Angelica Panganiban matapos nitong hindi paunlakan ang isang fan na magpa-picture sa kanya sa airport.

Sa Instagram ay nag-comment ang isang @ijo-rudin na sana umano ay pumayag si Angelica na magpa-pic sa kanya noong nasa airport ito.

“Sana ate angge pinagbigyan mo ‘ko magpapic sa airport @iamangelicap,” ayon sa IG user.

Paliwanag naman ng Kapamilya actress, labas umano sa oras ng trabaho ng ayain siyang magpa-picture at sana’y irespeto aniya ang kanyang privacy kaya natanggihan ang fan.

Humingi naman ng paumanhin si Angelica sa fan.

“Sorry, I wasn’t working that time. I hope you understand and respect my privacy. I love hugs tho,” ayon sa aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?