1,027

By

‘Resignation letter’ ng empleyado, nag-viral

Nag-resign sa kanyang trabaho ang isang lalaki at kakaibang “letter” ang binigay nito sa kanyang boss na kinatuwa ng mga netizen.

Imbes kasi na resignation letter, isang condolence card ang pinasa nito sa kanyang amo.

Kumalat sa social media ang litrato ng condolence card na binahagi ni Hannah.

Mababasa sa harap ng card ang mga salitang: “So very sorry for your loss.”

Sa loob naman mababasa ang: “My last day at work is the 28th July.”

Maging ang mga salitang: “Thinking of you at this difficult time.”

Direkta umanong inabot mismo ni Sam sa kanyang manager ang condolence card.

Mayroon na itong mahigit 400,000 likes at mahigit 71,000 retweets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?