53

By

Reserved para sa kasama! Bebot ayaw magpaupo sa MRT

Trending ang isang babae sa social media dahil sa pagharang ng kanyang bag sa upuan sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ang dahilan nito, may kasama siya sa kabilang istasyon at doon balak paupuin ang kakilala.

Sa post ni It’sRica Bells sa Facebook, imbyerna nitong nireklamo ang babaeng naka-face mask dahil sa pagdadamot ng upuan.

“Yung totoo teh, ngreserve ka tlga ng seat sa MRT during rush hour using your backpack? Can we not be considerate on other passengers asking for that seat? Yet sasabihin mo may ksama ka waiting on another station? Omg! Gigil much!!! #eksenangbasurasamrt” giit ng netizen.


Mayroon nang 56 shares ang nasabing post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,