94

By

Repormang pinatutupad ni Bantag sa BuCor, bantay-sarado

Bantay-sarado ng Department of Justice (DOJ) ang mga repormang ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ito ang iniutos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa oversight committee ng ahensya bunsod ng ginagawang pagbabago ni Bantag kung saan sinasabing lalo pang lumala ang kondisyon ng mga bilanggo sa national penitentiary matapos na magsagawa ng demolition sa ilang nakatayong illegal structures doon.

Ani Guevarra, kailangang hindi nalalabag ang karapatan ng mga preso sa kabila ng kanilang pagkakakulong.

Kung kaya, nais niyang matiyak na tama ang ginagawang reporma ni Bantag at hindi ito ‘out of bounds’.

Idiniin pa ni Guevarra na kailangan pa ring manaig ang pagdidisiplina at reporma sa pagkatao ng bawat preso.

Nitong nakaraang linggo, sinimulan ng BuCor at ng Philippine National Police ang demolition sa pagnanais na masupil ang illegal business dealings sa national penitentiary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?