22

By

‘Relasyong Zac Efron-Vanessa Hudgens ibalik na!’

Matapos malaman ang balitang hiwalay na ang 9-year celebrity couple na sina Vanessa Hudgens at Austin Butler, muling nili-link ng mga “Zanessa” fan ang Filipino-American aktres kay Zac Efron.

Unang naiulat sa US Weekly na hiwalay na sina Austin at Vanessa, at “kinukwento na ito ni Vanessa sa kanyang malalapit na kaibigan.”

Nang malaman ang balita, reaksiyon ng mga netizen: “Zanessa, muling ibalik!”

Matatandaang naging magkatambal sina Hudgens at Efron sa American movie series na “High School Musical.”

Nag-date din sila mula 2005 hanggang 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?