210
Relasyon ni Marjorie sa Mayor inilantad ni Greta
By

Relasyon ni Marjorie sa Mayor inilantad ni Greta

Sinimulang pag-usapan ni Gretchen ang tungkol kay Kier para ipaintindi ang intensyon nitong maging bahagi sa buhay ni Dani.

Nagkaroon daw ng gap ang mag-ama mula nung magkaisip si Dani hanggang sa magdalaga ito.

Saad pa ni Gretchen: “Not just a wealthy father. Kung may kasalanan man si Kier kay Dani, is hindi sya mayaman…”

Dito binanggit ni Gretchen ang “Mayor” para pagkumparahin si Kier at ang politician na hindi niya binanggit ang pangalan.

Sey pa ni Gretchen, “Hindi siya Mayor…di ba? Ng Caloocan. Wala siyang limpak na limpak na pera…You know, yun lang ang kasalanan ng isang Kier.”

Matagal na ngang usap-usapan ang pagkakaroon ng love affair ni Marjorie sa Mayor ng Caloocan, pero nanatiling sarado ang bibig ng ina nina Julia at Claudia tungkol dito.

Last year nang ibahagi ni Marjorie ang larawan ng kanyang bunsong anak, na sabi-sabi ay bunga ng kanilang relasyon ni Mayor.

Patuloy pa ni Gretchen sa pagtatanggol kay Kier, lagi raw gumagawa ng paraan si Kier na maging bahagi sa buhay ni Dani, pero si Marjorie lang ang hindi pumapayag.

May susunod pa sanang sasabihin si Gretchen tungkol kina Kier, Marjorie at Dani, pero pinigil na niya ang sariling magsalita.

Sa tanong kung invited ba si Gretchen sa kasal ni Dani, mabilis itong sumagot na “Hindi!” Ganun din si Claudine na hindi rin imbitado sa kasal ng kanyang pamangkin.

Sa voice over question sa isa sa mga kasama ni Gretchen sa paligid niya, kung dadalo ba ito sa kasal kung imbitado, sumagot ito na “Hindi!”

Sinusulat ang item na ito, wala pang reaksyon o komento si Marjorie tungkol sa mga statement ni Gretchen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?