43

By

Rekomendasyong kasuhan si Albayalde, pag-aaralan pa ng DOJ

Pag-aaralan pa umano ng Department of Justice (DOJ) ang nilalaman ng committee report ng Blue Ribbon Committee sa Senado na nagrerekomendang kasuhan si dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maaari namang amiyendahan ng PNP-CIDG ang kanilang reklamo para mapasama si Albayalde sa isinasagawang reinvestigation ng DOJ.

“In any event, if there’s any basis for including General Albayalde in the charges, the PNP/CIDG may amend its complaint so that the same may be covered in the ongoing DOJ reinvestigation,” ani Guevarra.

Kasabay nito ay tiniyak ng kalihim na kung may karagdagang respondent sa kaso ay idadaan ito sa due process at pagkakalooban nila ito ng sapat na panahon para makapagsumite ng kanyang conter-affidavit.

“Needless to say, any new or additional respondent will be given sufficient opportunity to submit his counter-affidavit and other controverting evidence as part of procedural and substantive due process,”aniya. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?