16

By

Reklamo sa online lending apps dumarami sa Asya – NPC

Nabawasan man ang mga reklamo sa National Privacy Commission tungkol sa online lending apps matapos magkaroon ng crackdown sa mga ito nung Oktubre, unti-unti naman itong nagiging problema sa Asia Pacific.

“Instances of unauthorized use of data, similar to complaints received by the NPC about online lenders, are beginning to crop up elsewhere in the region and other privacy authorities are keen on hearing about how what we have learned and how they may deal with similar challenges,” sabi ni NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro.

Ginaganap ngayon sa Cebu City ang 52nd Asia Pacific Privacy Authorities Forum at matatapos ito ngayong araw.

Sabi ng NPC, nasa 23 ang natanggap nitong reklamo tungkol sa online lending nung Enero at padami na nang padami ito hanggang sa lumampas na ito sa 300 nung buwan ng Setyembre kung kailan pinahinto na nito ang operations ng Fynamics Lending Inc., Unipeso Lending Company, at Fcash Global Lending Inc.

Sa ngayon, tanging ang Fynamics pa lang ang pormal nang sumagot sa kautusan ng NPC samantalang naghain naman ng motion to dismiss ang Unipeso at Fcash para ibasura ang kautusan.

Nitong Nobyembre, bumaba na sa 14 o 90% ang mga reklamong natanggap ng NPC tungkol sa online lending at paglabag nito sa privacy ng mga user.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?