56
ABANTE nbp bilibid
By

Regular na inspeksyon sa Bilibid, ikakasa ng DOJ

Kasunod ng iregularidad sa implementasyon ng good conduct time allowance (GCTA), magsasagawa na ng regular na pagbisita at inspeksyon ang Department of Justice (DOJ) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Undersecretary for Correctional System Deo Marco, kabilang siya sa mga miyembro ng oversight committee na binuo ni Justice Sec. Menardo Guevarra at isa aniya sa mga nakapag-kasunduan ng lupon ay ang regular na pagtungo sa Bilibid upang personal na matunghayan ang sitwasyon doon.

Ito ay habang wala pa ring naitatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong director sa Bureau of Corrections (Bucor).

Tiniyak naman ni Marco na tuloy-tuloy pa rin ang day to day operations at trabaho ng BuCor, sa kabila ng ipinataw na preventive suspension ng Office of the Ombudsman sa higit 30 opisyal at tauhan ng ahensya habang patuloy din ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa natuklasang “GCTA for Sale” at “Hospital Pass for Sale.”

Samantala, kinumpirma naman ni Marco na higit na sa 190 ang sumukong preso na maagang nakalabas dahil sa GCTA habang inaasahan naman ang paglutang ng mga convicted sa Chiong sisters rape-slay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?