1,235

By

Regine nagkamali sa spelling ng Kobe, pumalag sa mga basher

Nakiusap sa mga basher si Regine Velasquez na pwede naman siyang itama ng mga ito kapag nagkamali at hindi na siya kailangan pang ipahiya.

Reaksyon ito ng Asia’s Songbird matapos niyang hindi sinasadyang mamali sa spelling ng pangalan ng NBA legend na si Kobe Bryant na namatay recently sa helicopter crash.

Nag-post si Regine ng litrato ni Kobe sa Instagram na nilagyan niya ng caption na “Sad day”.

Ginamitan niya ito ng hashtag na “RIP Coby” sa halip na “RIP Kobe”.

Sa ngayon ay inayos na ni Regine ang spelling niya ng Kobe.

View this post on Instagram

Sad day 😢 #RIPKobe

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Pero sa kanyang Twitter, inamin niyang lagi siyang nagkakamali sa pag-spell ng pangalan dahil sa mayroon siyang dyslexia kaya sana naman aniya ay maging mabait naman sa pagtatama sa pagkakamali niya nang hindi nakakasakit sa kanya.

“I always make a mistake with spelling someone name you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad,” tweet ng singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?