60

By

Referee pinaslang sa QC

Dedbol ang isang referee ng basketball matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Christopher Pilapilan, 43, binata, nakatira sa No. 288 Pook Masagana, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roldan Cornejo ng CIDU-QCPD, naganap ang krimen alas-sais ng gabi ng Marso 13 sa kanto ng Pluto St., Mindanao Avenue.

Pauwi na ang biktima mula sa dinaluhan nitong basketball game nang sundan siya, lapitan at walang sabi-sabing pagbabarilin ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang makitang bumulagta ang biktima at matiyak na patay na ito ay naglakad lamang papatakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Mindanao Avenue.

Sa pagresponde ng SOCO ay apat na basyo ng bala ng kalibre .45 ang nakuha nila sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek at tinitingnan na rin ang mga kuha ng CCTV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?