106
PDEA: Colombian drug cartel, nakapasok na sa Pinas
By

Recycled illegal drugs talamak pa rin – PDEA chief

Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino sa mga senador na talamak pa rin ang pag-recycle ng iligal na droga na nasasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation.

Sa budget hearing para sa panukalang pondo ng PDEA sa 2020, tinanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung uso pa rin ba ang pag-recycle ng shabu.

“I received some information from assets, from other law enforcement agencies themselves, nakakarinig ako. So, hearing these reports, it will just show that there’s still recycling of drugs,” sabi ni Aquino.

“I guess it’s still rampant…the recycling of drugs,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa PDEA chief, kapag nakakakumpiska ang mga operatiba ng droga, kalahati lang ang isusuko at ang matitira ay gagamitin sa mga future operation o hindi kaya nama’y ibebenta.

“Usually kasi nagiging modus is that when they seize drugs, maybe half of that will be surrendered or ‘yun ang ipalalabas nila na ‘yun lang ang na-seize nila, while all the other ones are being kept either for future operations or the worse of it is they sell the drugs,” lahad pa ni Aquino.

Sa pag-usisa ni Senador Panfilo Lacson, inamin din ni Aquino na ginagamit ang mga nakumpiskang droga bilang pangtanim sa kanilang mga operasyon.

“Pwedeng pam-plant, sir. Pwedeng all other kinds of preparations,” sabi ni Aquino kay Lacson.

Ayon pa sa PDEA chief, sa P22 bilyong halaga ng nakumpiskang droga, P20 bilyon dito ay shabu at ngayo’y nasa imbentaryo ng gobyerno.

Ang mabagal umanong pag-isyu ng korte ang siyang dahilan kung bakit hindi agad sinisira ang nakumpiskang mga droga. Ang pinakamatagal na nakumpiskang iligal na droga na nasa kustodiya ng gobyerno ay siyam na taon na.

“If we have P22 billion worth of drugs seized, P20 billion of which is shabu and as far back as 9 years ago we really have a serious problem,” sabi ni Lacson.

Hinamon naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si Aquino na maglabas na pruweba sa kanyang alegasyon.

“Mahirap puro candor pero wala tayong leg to stand on sa ganoong accusation,” ani Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police.

Sinabi pa ni Aquino na isang solusyon para matigil ang pag-recycle ng nakumpiskang iligal na droga ay pagsasagawa ng joint operation ng iba’t ibang law enforcement agency.

“One way is to prevent the recycling of drugs is to conduct joint operations. If it’s a joint operation between law enforcement agencies, ‘yong probability ng recycling of drugs is lessened or prevented,” sagot ni Aquino sa tanong ni Drilon.

“For example, we are conducting joint operations with the PNP (Philippine National Police), Armed Forces of the Philippines, NICA (National Intelligence Coordinating Agency), and maybe some intel operatives of the Army, so ‘yung recycling modus dun, sir, nawawala,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?