37

By

Recto: Chalk allowance ng mga guro, gawing P10K

Isinusulong ni Senador Ralph Recto ang isang panukala na naglalayong itaas sa P10,000 kada taon ang chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Inihain ni Recto ang panukala dahil hindi na sapat ang P3,500 na taunang chalk allowance ng mga guro sa kasalukuyan.

“This translates into a measly P16 a day. This is not enough in this age of internet when USBs, are now part of the teacher’s tool box,” sabi ni Recto.

Sa ilalim ng panukala ni Recto, nais nitong dagdagan ng P5.4 bilyon ang chalk allowance ng mga guro sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, P2.9 bilyon ang pondo ng Department of Education para dito.

Ayon kay Recto, mas maliit lamang ito kumpara sa P17.2 bilyon na inilalaan para sa travel expenses ng national government.

“Mas makabuluhan pa ito kesa mga kung anu-anong lakbay-aral,” sabi ni Recto.

“Kulang talaga. Especially in this digital age, when IT-assisted learning is the norm, there are computer-and broadband-use related need, and these must be considered in computing the supplies the teachers need,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?