115

Aug 8, 2018 @ 17:33
By

Recap ng ‘Victor Magtanggol’ tinalo ang kalaban

Dahil marami ang hindi nakapanood ng pilot week ng telefantasya ni Pambansang Bae Alden Richards, talagang hindi pinalampas ng mga manonood ang naging recap ng pilot week ng Victor Magtanggol na pinalabas noong Linggo ng hapon.

Bukod sa trending ito sa social media, balita namin ay tinalo nito ang katapat na programa ng ABS-CBN.

Talagang marami ang naka-miss na mapanood muling umarte si Alden at siyempre suportahan ang kanyang pagbabalik-primetime sa GMA.

Samantala, kapana-panabik na linggo ang siguradong hatid nina Alden at John Estrada sa pamamagitan ng kanilang mga karakter na sina Victor at Loki sa primetime soap. Matapos kasing magkita ng dalawa, sisiguraduhin ni Loki na mababawi niya ang aguhon kay Victor ngayong napatay na niya si Magni (Miguel Faustmann).

Magtagumpay kaya siya? Tutok lang sa Victor Magtanggol gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?