142

Mar 31, 2020 @ 16:36
By

Real-life Darna! Doktor pinasalamatan si Angel Locsin

Lubos ang pasasalamat ng isang neurosurgeon sa patuloy na pagtulong ni Angel Locsin sa mga ospital para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Dr. Ronnie Baticulon, real-life Darna umano ang tingin niya kay Angel, na kasama ang kanyang jowa na si Neil Arce sa pagtulong sa Philippine General Hospital.

“Real-life Darna in PGH! Thank you for all that you do for the Filipino people Angel and Neil,” sey ni Dr. Baticulon.


Sa ngayon ay lumilikom si Angel ng mga personal protective equipment para sa mga ospital na lumalaban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?