1,389

By

Raymart, Kempee, Tonton nag-agawan! Sunshine Cruz ‘basted queen’

Bigatin ang mga nagkagusto sa aktres na si Sunshine Cruz, ngunit ni isa rito ay hindi pumasa sa magandang dilag.

Sa panayam kay Sunshine sa ‘Tonight With Boy Abunda”, binahagi nito ang kanyang mga naging karanasan noong bata pa tungkol sa panliligaw.

Pinakita sa kanya ang mga larawan ng ilang artista, halos lahat dito ay kumpirmadong niligawan siya ngunit ni isa ay wala siyang sinagot.

Una ay si Albert Martinez, na nilinaw ni Sunshine na hindi nanligaw sa kanya, ngunit ang mga sumunod ay nabighani sa ganda ng dating sexy star.

Hilera sina Joko Diaz, Tonton Gutierrez, Kempee de Leon, Kier Legaspi at Raymart Santiago sa mga nanligaw kay Sunshine, ngunit ni isa dito ay hindi nakatuluyan ng aktres.

Dahilan niya: “Mababait sila. It’s just me. I’m really not ready.”

Dati daw ay pina-tattoo pa ni Tonton ang kanyang pangalan, samantalang sina Kempee at Raymart ay nag-away pa dahil sa kanya.

Sa kanilang lahat, si Raymart umano ang pinaka-bet niya ngunit hindi rin nakatuluyan dahil strikto umano ang kanyang ina.

“Sabi nila, sa dami daw ng ‘nabasted’ ko na pogi, matitino at mababait, first boyfriend pa tapos napunta daw ako sa mali. Naman! That’s life!” ayon kay Sunshine.

“I had bad choices in my life (who doesn’t?!) but because of those choices, I have my three wonderful and beautiful children, I am stronger and up to this very moment, I try to be a better version of myself.”

View this post on Instagram

After my Tonight with Boy Abunda (TWBA) guesting. Where I was asked by Tito Boy about actors who got linked to me in the past. Sabi nila, sa dami daw ng “nabasted” ko na pogi, matitino at mababait, first boyfriend pa tapos napunta daw ako sa mali. Naman! That’s life! Lol! Sabi nga sa kanta ng pinsan kong si Donna. “Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso lagot ka na siguradong huli ka.”😬 @donnacruzyl • I had bad choices in my life (who doesn’t?!) but because of those choices, I have my three wonderful and beautiful children, I am stronger and up to this very moment, I try to be a better version of myself. Why? Because the people around me, who never judged me, who love, support and trust me deserve the best Sunshine. I wouldn’t want it any other way.😉❤️😊 #twbasunshinecruz

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?