62

By

Ravena markado ni Austria

Markado ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang kamador ng NLEX na si Kiefer Ravena.

Anumang sandali, puwedeng sumabog ang sophomore guard.

Sina Kiefer at import Olu Ashaolu ang pangunahing dahilan kaya humaharurot ang Road Warriors sa PBA Governors’ Cup, walang talo sa tatlong laro at nakatambay sa tuktok ng standings, kabuhol ang TNT.

Sa unang tatlong laro pagbalik mula 18-month suspension ng FIBA, nag-average si Ravena nang 20 points, 8 rebounds at 7.3 assists bawat salang. Si Ashaolu ay nagsusumite ng double-double na 25.6 points at 11.3, may palamuti pang 3.3 dimes per game.

Dumayo ng Dubai ang San Miguel at NLEX para magsukatan sa Biyernes, 8 pm (12 midnight sa Manila) sa Coca-Cola Arena.

Babalik kinabukasan, Sabado, ang Road Warriors para naman harapin ang 1-1 Ginebra.

“Kiefer is really a concern of any team, not only us,” lahad ni Austria. “He’s on a mission, he’s trying to prove something.”

Inaasahan ng coach ang pagputok ni Kiefer, pinaghandaan na nila ang Phenom pati si Ashaolu.

“Kilala naman natin siya. In any game, at any time, talagang mage-explode ang batang ‘yun. That’s why we have to have a game plan against Kiefer and their import,” giit ng eight-time champion coach.

‘Di mapipigil si Ashaolu, susubukan lang itong limitahan ng Beermen.

“NLEX for me is really a contender,” dagdag ni Austria. With their last three games, I think they got a lot of confidence. Maybe because of the help of their import. They’ve found a good import who can really play in the shaded area. Very dominant. I think we have to find a game plan to limit him. We cannot stop him.”

Maangas din ang nilalaro ng reinforcement ng San Miguel na si Dez Wells, maganda ang kombinasyon kina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Terrence Romeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?