105
Ravena, Lady Eagles humirit ng rubbermatch
By

Ravena, Lady Eagles humirit ng rubbermatch

Isinalba ni libero Dani Ravena ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa Game 2 ng best-of-three finals series ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa bisa ng 26-24, 14-25, 25-21, 25-15 panalo kontra University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Kumayod lang si Ravena ng 1 puntos, pero mayroong 12 excellent receptions at 22 excellent digs kontra Uste.

Pinuwersa ng Katipunan-based squad ang do-or-die Game 3 finals sa tulong pa ni 2nd Best Middle Blocker Maddie Madayag na may 17 points.

Sa third set ng laban, bumagsak si Rookie of the Year Eya Laure na nagtamo ng mild left ankle injury matapos maapakan ang paa ni Best Opposite Hitter Kat Tolentino sa pag-landing nito.

Sinamantala ng Ateneo volleybelles ang paglabas ni Laure sa laro kaya naman na naungusan nila ang panig ng Uste.

“Well, first of all ‘yung seniors namin ‘yung nagdala samin. ‘Yung emotions nila and how they wanted it. Parang kaming mga undergrads how can you say no to that, their request na laban tayo sa Game 2 at saka all out talaga. So that’s what we did. It’s for our seniors and for the Ateneo community,” pahayag ni Ravena, tinaghal na Player of the Game.

Kautuwang sina open spikers Jules Samonte at Ponggay Gaston, muling magpapasiklab ang Ateneo sa Mayo 18, Sabado, para sa Game 3 na gaganapin sa parehas na venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?