28

By

Ravena, Ateneo tinibag ang UST

Pinataob nina Thirdy Ravena at defending champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 71-70, sa unang laro ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Tulad ng inaasahan, pabida si Thirdy Ravena na kumulekta ng double-double 17 points at 10 rebounds, may kasahog tigalawang assists at steals.

Alalay si Ange Kouame na may 11 puntos, 10 rebounds, tig-isang assist at steal para sa three-peat seeking Ateneo, na may malinis na 3-0 baraha.

Nalusaw ang 13 puntos na abante ng Ateneo sa second canto nang mag-rally ang UST para dumikit ng apat na puntos, 33-37, sa pagtatapos ng unang hati ng laban.

Sa final frame, nagpapalitan na lang ng puntos ang dalawang koponan, binigay ni Kouame ang 68-67 bentahe sa natitirang 3:40 minuto, nasundan pa ng dalawang free throws mula kay Ravena para sa 70-67 iskor.

“We understood that game was going to be a really tough game. I feel fortunate we won the game. That’s the kind of game that you can credit the team as much as you want, talk about character, and all of that, but I think that every applaud you give your team, you give the other. That could have gone either way,” pahayag ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

Balewala ang 25 puntos, 13 rebounds tigalawang assists at blocks at isang steal ni Soulemane Chabi Yo para sa UST, na bumagsak sa 2-1 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?