32

By

Ravena, Araña mahilig din sa ML

Bukod sa tikas sa pagba-basketball ay nagpakitang-gilas rin ang NLEX Road Warrior guard Kiefer Ravena at NorthPort Batang Pier guard na si Ryan Arana sa larangan ng paglalaro ng eSports game na Mobile Legends.

Present ang dalawang professional basketball player sa Sibol’s Mobile Legends best-of-three exhibition match na ginanap sa Electronic Sports Gaming Summit o ESGS na ginanap sa Pasay City.

Aminado rin si Kiefer na ginagawa niyang libangan ang paglalaro ng Mobile Legends upang siya ma-relax ay ito naman ay may permiso mula sa kanyang coach na si Yeng Guiao.

“After practice namin siya ginagawa so we could relax a bit. Very competitive din kami,” pahayag ng 27-anyos na basketbolista.

Hindi rin naman nagpahuli si Ryan Araña sa pagbibigay ng kanyang saloobin patungkol sa laro.

“Ang Mobile Legends team game iyan eh. Mayroong strategy, mga role players kung ano ‘yung gagawin nila, iyan ‘yung tinuro sa ’kin nung mga taga-Cignal. Na ganito yung gagawain natin, especially ‘yung first game namin,” sambit ni Arana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?