13
Ratsada ng Lyceum, pinutol ni Bulanadi
By

Ratsada ng Lyceum, pinutol ni Bulanadi

Mga laro Huwebes/Oktubre 10: (FilOil Flying V Centre)
2:00 pm – CSB vs San Beda U
4:00 pm – San Sebastian vs Mapua

Nangalabaw si Allyn Bulanadi ng 28 points upang akbayan ang San Sebastian Stags sa 73-71 panalo laban sa last year’s runner up Lyceum of the Philippines Pirates sa NCAA season 95 men’s basketball tournament sa second game Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nakatuwang ni Bulanadi sa opensa si RK Ilagan at Alvin Capobres kaya naman kinalsuhan ng Stags ang six-game winning streak ng Intramuros-based squad Pirates.

Tumipa si Ilagan ng 11 puntos habang siyam ang inambag ni Capobres para sa San Sebastian na may 9-6 karta.

First quarter pa lang ay naghabol na ang Stags, 11-26, pero naibaba nila sa 10 ang bentahe ng Pirates, 33-43, sa halftime.

Dumikit ang San Sebastian sa third nang magsimulang uminit ang opensa nina Bulanadi, Ilagan at Capobres, natapyasan sa tatlo ang bentahe ng Lyceum, 50-53, papasok ng fourth period.

Naging matatag ang Stags sa payoff period lalo na sa endgame upang udlutin ang asam ng Pirates na makopo ang No. 2 seed pagkatapos ng 18-game elimination round.

Nirehistro ni Jaycee Marcelino ang 21 markers para sa LPU na nalasap ang pang-apat na talo sa 16 na laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?