33

By

Rappler pinatamaan ni Locsin sa ‘press freedom’

Nagpahaging si Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin tungkol sa “totoong pagsupil sa press freedom”.

Sa kanyang tweet nitong Abril 12, ibinahagi ni Locsin ang isang balita mula sa Reuters kung saan dalawang journalist nito ang nakulong sa Myanmar.

Nilagyan ito ni Locsin ng caption na, “Okay, now that’s real suppression of press freedom and not the faux one in the Philippines.”

Matatandaang pagsupil sa press freedom ang isinisigaw ng news website na Rappler sa pagkansela ng kanilang registration ng Securities and Exchange Commission dahil sa paglabag sa foreign ownership rules.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?