69

Rapper Juice Wrld pumanaw na

Nabigla ang marami sa pagkamatay ni American rising rapper Jarad Anthony Higgins, o mas kilala bilang “Juice Wrld.”

Sabi ng pulisya, sa ulat ng TMZ, nag-seizure ang 21-anyos na rapper habang naglalakad sa Midway Airport sa Chicago. Galing siya ng California at lumapag sa Chicago noong Linggo ng umaga, Disyembre 8, 2019.

Namatay siya anim na araw matapos mag-21st birthday nitong Disyembre 2.

Sa ngayon, inaalam pa rin ang sanhi ng pagkamatay ng rapper ngunit tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang “drug overdose” dahil sinubo umano nito ang maraming painkiller pill para maitago sa pulisya pagkalapag ng Chicago airport.

Bago ito, ni-report ng piloto ng kanyang private plane na armed gunmen ang entourage ni Juice Wrld.

Dumudugo umano ang bibig ni Juice Wrld nang datnan ng mga paramedic sa airport, at may malay pa umano nang isugod sa ospital, ngunit matapos ang ilang minuto ay dineklara ring pumanaw na.

Nitong 2018 lang sumikat ang rapper nang mag-top sa US at UK charts ang kanta niyang “Lucid Dreams.”

Nag-concert din siya kasama ang rapper na si Nicki Minaj ngayong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?