577
Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite
By

Rapper at YouTube sensation timbog sa pagtutulak ng party drugs

Arestado ang isang rapper at YouTube sensation sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Linggo, Agosto 18, sa harapan ng isang bar sa Pampanga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arlny Dimabuyu o mas kilala sa pangalang “Xander Bay,” 21, kilalang rapper sa nasabing lungsod at isa ring YouTube sensation.

Naaresto si Dimabuyu sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA pasado alas-dos ng madaling araw sa isang bar sa Angeles City matapos bumili sa kanya ang isang poseur buyer ng ecstacy tablet.

Matapos magkapalitan ng iligal na droga at pera ay dinakip ang suspek at nakuha sa kanya ang siyam na piraso ng kulay pink na ecstacy tablet na may halagang P15,900 gayundin ang isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon pa sa ulat ng PDEA, may ilang linggo na rin nilang minamanmanan ang suspek na sinasabing supplier ng party drugs sa mga bar sa nasabing lungsod.

Ang paggamit at pagbebenta ng party drugs ay mariin namang itinanggi ng suspek.

Sa ngayon ay nakakulong si Dimabuyu sa PDEA detention cell sa Pampanga at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?