165

By

Rapist nabisto sa FB timbog sa Ilocos

Dahil nakilala sa Facebook, arestado ang isang lalaki matapos molestiyahin ang 15-anyos na dalagita sa Tagudin, Ilocos Sur noong Martes, ayon sa National Bureau Investigation-Region 1 (NBI-R1).

Kinilala ni NBI-R1 supervising agent Martini Cruz ang suspek na si Renan Orieto, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon kay Cruz, desidido umano ang nanay ng biktima na tinago sa pangalang “May” na kasuhan si Orieto dahil sa ginawang pangmomolestiya at pagdulot ng trauma sa anak nito.

Ayon sa NBI-R1, nakilala umano ni May ang suspek sa social media at nag-chat pa ito sa kanyang messenger.

Sa kanyang chat, inalok si May ng suspek ng trabaho, na sexual services kapalit ng halagang P1,000

Dito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-R1 kasama ang biktima na makikipagkita sa suspek at tatanggapin kunwari ang alok nito kay May.

Inaresto ng NBI-R1 na naka-civilian na damit si Orieto habang nakikipag-usap sa biktima sa isang establisimiyento sa Tagudin.

Napag-alaman na nangyari umano ang panghahalay sa biktima, kasama ang isang kaklase nito, noong Setyembre malapit sa dagat sa Barangay Paratong Norte, Bangar, La Union.

Sa ngayon, hawak na ng NBI-R1 ang suspek at nakatakda ring isailalim sa inquest proceeding noong Miyerkules at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?