121

By

Rape suspect hindi umubra sa pulis, patay

Hindi nagtagumpay ang isang suspek na may kasong rape sa pagtatangka umano nitong tumakas matapos siyang mabaril ng pulis sa Malate, Manila, Huwebes ng gabi.

Ayon sa report, nakadetine umano ang suspek na si Benedicto Dizon, 22, sa Malate Police Station.

Inagaw umano nito ang baril ni PO1 Dennis Javier dakong alas-9:20 ng gabi habang nasa Office of the Station Commander at pinaputukan ang pulis pero nagmintis.

Napilitan umano si Police Supt. Bobby Ganipac na gumanti ng putok kay Dizon na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Itinakbo pa si Dizon sa Ospital ng Maynila Medical Center sa Malate pero idineklara umano itong dead on arrival dakong alas-10:15 ng gabi.

Inaresto si Dizon sa Malate noong Enero 21 dahil umano sa pangmomolestiya sa isang walong buwang gulang na sanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?