3,142
Rape scene sa ‘Ang Probinsyano’ binatikos ng mga netizen
By

Rape scene sa ‘Ang Probinsyano’ binatikos ng mga netizen

Negatibo ang naging reaksyon ng mga netizen sa eksenang panghahalay sa dalawang babaeng pulis sa July 15 episode ng “Ang Probinsyano”.

Sa naturang episode, dinala ni “Bungo”, na ginagampanan ni Baron Geisler, ang isang babaeng pulis sa hideout nila para halayin.

Habang ginagahasa din ng dalawa pang tauhan ni “Bungo” ang isa pang lady cop.

Naalarma maging ang Philippine National Police (PNP) at sinabing magsasagawa sila ng imbestigasyon kung may naging paglabag dito.

“We are already looking into this if there is a violation specially the picture depicted in the scene is a police officer wearing PNP uniform and sadly, a “lady” officer,” sabi sa tweet ng PNP.

Narito ang ilan sa comment ng mga netizen:

Naomi Albaran Rasa: Hindi na magandang tingnan ung mga pinapalabas nila… ung mga patayan. Actually yong buong topic ng probinsyano. Sana ilagay sa late night ang show nato. Hindi talaga maiwasang may mga batang nakakakita.

Mark Louie Baliatan: Sobrang freedom naman na ata ginagawa niyong mga eksena sa programa niyo? Andaming tao Lalo na mga bata na pinupukaw niyo sa mga mali.. Mabuti kung gabing gabi na yang program niyo, di talga masusunod yang Rated SPG kuno niyo!!! #RapeScence.

Ron Redillas: Protektahan natin yong mga inosenteng kaisipan at kamalayan ng mga kabataan,be sensitive its not about the rating ,its about the influence you make to the minds of our children,you should help in developing positive attitude among young ones…hindi ba to dumadaan muna sa quality assurance…shout out sa producers abd management ng abs cbn at yung mtrcb…ano na po?

AJ Monteza-Villaflores: Parang maling mali na po ang episode na to. Pinakita talaga pano minolestya ang mga babae at pano pinahirapan. Parang hindi na kaaya aya panuorin lalo ng mga kabataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?