1,003

By

Rape case ni Kobe inungkat, reporter suspendido

Nasuspinde ang isang journalist matapos niyang i-tweet ang link sa article na tungkol sa rape case ni Kobe Bryant noong 2016.

Sinuspinde si Felicia Sonmez ng Washington Post matapos niyang i-tweet ang rape case noon ni Bryant, ilang oras makalipas ang pagkamatay ng NBA legend sa helicopter crash.

Binahagi ni Sonmez ang April 2016 story mula sa news site na The Daily Beast na may headline na: “Kobe Bryant’s Disturbing Rape Case: The DNA Evidence, the Accuser’s Story, and the Half-Confession”.

Sa ngayon ay burado na ang tweet pero na-screenshot na ito ng mga netizen na kumalat online kaya nagalit ang mga fan kay Sonmez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?