27

Jun 27, 2020 @ 14:57
By

Ranidel de Ocampo: Bawal mag-rally!

Nagbabala ang retired PBA player na si Ranidel de Ocampo sa mga patuloy na lumalabas sa lansangan para mag-rally.

Sa tweet ng dating Gilas forward, sinabi nito na nasa ilalim pa rin ang Pilipinas ng community quarantine, kaya hindi pa rin dapat gumawa ng kilos-protesta.

“Quarantine pa rin ngayon. Dapat walang nagra-rally,” giit ni RDO.


Ang pahayag ni De Ocampo ay kasunod ng pag-aresto sa 30 miyembro ng LGBTQ community na nagprotesta sa Mendiola para sa Pride Month.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?