106

By

Random nga ba? Ravena sakto muli sa Fiba drug test

Sa ikalawang pagkakataon, muling nakuha si Kiefer Ravena para sa random drug testing ng Fiba para sa 2019 World Cup.

Bago ang kanilang laban kontra Serbia ay tinapik si Ravena para sumailalim sa drug test, na matatandaang siya rin ang isa sa mga napili sa unang araw ng testing.

Kasama niya sa drug test si Gilas Pilipinas forward Japeth Agular.

Matatandaan na dating nasuspende ng 18 buwan si Kiefer ng Fiba matapos magpositibo sa banned substance dahil sa ininom nitong protein drink na Dust.

Hindi tuloy maiwasan sa social media na pag-usapan kung tunay bang random ang drug test ng Fiba dahil tila nasasaktuhan siya base na rin sa kanyang history sa pederasyon.

“Why kiefer again? Di ba target nila ma drug test lahat ng players? Random pa ba yan??” sey ni @asdfghjkklGHIE.

“We can just call it the Kiefer and random friend drug test,” sey naman ni @kilikilishot.

Dalawa hanggang tatlong buwan pa ang hihintayin bago mailabas ang resulta ng drug test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?