48

By

Rambol sa UAAP Final 4 tumitindi

Lalo pang umiinit ang bakbakan ng apat na koponan sa natitirang puwesto sa Final Four ng 82nd UAAP seniors basketball tournament sa nasa homestretch ng 2nd round elims.

Ang mga nasipa na sa semifinals ay ang Adamson Soaring Falcons (4-8), UE Red Warriors (3-9) at NU Bulldogs (2-10). Labo-labo ang apat pang koponan sa playoffs.

Sa malinis na 12-0 mark, pasok na ang reigning champions Ateneo Blue Eagles sa playoffs at may tsansa pang dumiretso sa Finals kung mawawalis ang natitira pang dalawang laban sa elims.

Nasa ika-2 puwesto UP Fighting Maroons (8-4) na isang panalo na lang ang layo para makuha ang playoff spot at twice-to-beat advantage sa semis.

Magkabuhol sa 7-6 para sa third spot ang Far Eastern Tamaraws at Sto. Tomas Growling Tigers na kinakailangan maipanalo ang kanilang huling mga laban sa eliminations para manatiling mga kontender.

May 6-6 ang La Salle Green Archers at asinta na makuha ang panalo sa dalawa apng laban para rin makahabol sa Top 4.

Kung magtabla-tabla ang tatlong teams o higit pa sa talaan tapos ang elims, gagamitin ang quotient system para malaman ang knockout matches pa-playoffs

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?