46

By

Rain at Kim Tae Hee, may panibagong baby

Masayang binalita ng Korean stars na sina Rain at Kim Tae Hee ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Nanganak ang aktres, 39, ng healthy baby girl sa isang ospital sa Seoul nitong Huwebes, Sept. 19.

Hindi naman binahagi pa ng mag-asawa ang itsura ng kanilang baby girl.

Kilala kasi si Rain na gustong pribado lang ang kanilang buhay.

“I want to reveal my baby, but I feel it could come back (and hurt us) later,” paliwanag ni Rain sa isang interview.

Noong isilang ang panganay na anak nila, binalita rin ito ni Rain na may kasamang litrato ng baby booties pero walang pasilip sa itsura ng sanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?