75

May 22, 2020 @ 15:09
By

Rachel Daquis natunton ng creepy stalker sa subdivision

Nakakakilabot ang naranasan ni volleybelle Rachel Anne Daquis matapos siyang matunton ng kanyang longtime stalker sa sarili nitong bahay.

Sa Facebook post ni Daquis, nagbabala siya sa isang lalaki na gumagamit ng alyas na Richie Guevara at Richard Luna kung saan matagal na umano siyang ginugulo mula pa noong 2019.

Madalas umano itong mag-message sa kanyang social media account, at nagawa pang mag-enroll sa kanyang fitness gym sa Taytay kung saan nasundan din ang atleta hanggang Pampanga.

Mas lalong naging mapanganib ang stalker dahil maging ang kanyang pamilya at kaibigan ay kinakausap nito para malaman kung saan siya nakatira.

“He would send uncomfortable and creepy messages everyday on my instagram and would bribe my family and friends for my address and my whereabouts,” ayon kay Daquis.

Nitong Huwebes ay nabigla na lang si Daquis nang lapitan siya ng lalaki habang nasa bakery kung saan pinilit siya nitong kausapin.

Dito na kinuhanan ng video ni Daquis ang stalker bilang patunay na sinundan siya nito sa kanilang subdivision.

“He then approached me while I was at the bakery surrounded by my family and requested to talk to me and i felt startled and afraid while filming so i accidentally said march instead of may,” paliwanag ni Daquis. “I am worried for the safety of my family and myself, please spread for awareness.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?