32

May 23, 2020 @ 9:21
By

Rachel Ann Daquis, natakot sa stalker

Hindi naiwasan ng dating Far Eastern University (FEU) volleyball star Rachel Ann Daquis na ipost ang nadamang panganib kontra sa isang stalker na nagawa pa itong masundan mismo sa kanyang tinitirhan na subdivision.

“Please be careful of this man as he is dangerous and has stalked me since 2019, he uses multiple names such as Richie Guevara or Richard Luna,” post ni Daquis kasama ang litrato ng stalker sa kanyang FB at Instagram account.

Ito ang unang pagkakataon na lubhang nagpahayag ng kanyang hindi pagkagusto ang dating miyembro ng national team na si Daquis sa halos 16 na taon na paglalaro sa iba’t-ibang liga.

“It started with messages on my social media accounts and then enrolled to my RAD Fitness gym in Taytay, at that time it did not seem harmful, but then he followed me all the way to Pampanga and started asking for my personal information at my gym and continuously asks for my location and where I live,” sabi ng 32-anyos na si Daquis.

“He would send uncomfortable and creepy messages every day on my Instagram account and would bribe my family and friends for my address and my whereabouts,” sabi pa nito.

Kaya hindi na napigilan ng tatlong beses naging 1st Best Outside Spiker sa PSL noong Huwebes na tuluyang ipost ang ginagawa ng stalker na mismo nitong nakaharap sakay ng kanyang sasakyan malapit lamang sa kanyang tinitirhan na subdivision.

“And today on May 21 2020 he successfully found my subdivision and I caught him walking around looking for my house. He then approached me while I was at the bakery surrounded by my family and requested to talk to me and i felt startled and afraid while filming so i accidentally said March instead of May,” sabi ni Daquis.

“I am worried for the safety of my family and myself, please spread for awareness,” sabi pa nito. .

Ikinatakot ni Daquis ang ginagawa at posibleng isagawang hakbang ng stalker laluna ngayon na marami itong tinutulungan na kanyang personal na COVID-19 relief operations sa Rizal pati na rin ang seguridad at kaligtasan ng kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?