46

By

Racasa, Factolarin bisita sa ‘Usapang Sports’

Chess at dragonboat ang sentro ng talakayan para sa 38th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Dadalo si Antonella Berthe Racasa, na nagpapakitang gilas sa local at international chess, sa 10am sports program kasama si father-coach Roberto Racasa.

Nagtapos si 12-year-old Racas sa pang-14th pwesto sa World Cadets Chess Championships sa Shandong, China noong nakaraang linggo.

Nito lamang, pinarangalan si Racasa ng TOPS bilang “Athlete of the Month” para sa buwan ng Agosto.

Si Racasa ang unang chess player na nakakuha ng parangal mula sa TOPS.

Bibisita rin sa weekly session handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink ang mga official ng Philippine Dragonboat Federation (PDBF), sina president Nyllressan Planos Factolarin at secretary-general Japok Villanueva.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members ng TOPS na makisalo sa session na papanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?