27

By

Racal kinasal na sa longtime nobya

Kung ang ibang fans ay pokus sa Ginebra vs. Meralco sa finals ng PBA, agaw pansin naman ang ginawa ng Alaska-cager na si Kevin Racal nang magpakasal ito sa kanyang long-time nobya.

Makikita sa Instagram post ng 6-foot-3 guard na kinasal sila ng kanyang kasintahan na si Sarah Ramirez sa huwes o isang civil wedding sa city hall ng Lungsod ng Muntinlupa.

@kevinkentracal: “Nothing fancy just LOVE. 01-10-2020.”

Marami naman sa mga fan ang nagpaabot ng kanya kanyang pagbati para sa former Letran Knight.

Matatandaang si Kevin ay nag-renew ng dalawang taong kontrata sa Alaska Aces kasama ang rookie-playmaker na si Jaycee Marcelino nitong Disyembre 2019 upang maisakatuparan ang rebuild ng koponan sa pangunguna ng kanilang head coach na si Jeff Cariaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?