51

By

Quo warranto proceeding remedyo sa franchise issue ng Mislatel – Asst. Solgen Salom

Iminungkahi ng Office of the Solicitor General (SolGen) na iparesolba na sa korte ang kwestiyon sa prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel), na bahagi ng Mislatel Consortium na napili ng National Telecommunications Commission (NTC) na maging ikatlong player sa telecommunications industry (third telco).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Assistant Solgen Marra Victoria Sardillo Salom na ang quo warranto proceedings ang solusyon sa sitwasyon.

“As far as the Office of the Solicitor General is concerned, we abide by the doctrine under PLDT vs NTC that the proper remedy, your honor, would be through a quo warranto proceeding,” ayon kay Salom.

“This remedy your honor, we believe, is the appropriate remedy considering that there are actually factual issues that ought to be treshed out,” dagdag nito.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na wala nang bisa ang prangkisa na ibinigay ng Konggreso sa Mislatel noong 1998 dahil hindi ito nag-operate mula noon kahit minsan at hindi inabiso sa Konggreso ang paglilipat ng majority control ng Mislatel tungo sa Mislatel consortium nung napili ito na provisional third telco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?