1,910

By

Quiboloy kakaladkarin pa-impyerno si Kapa Pastor Apolinario

Nanggalaiti ang pastor ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy sa nadadawit sa umano’y scam na si Kabus Padatoon (KAPA) Ministry International Inc. Pastor Joel Apolinario.

Binalaan ni Quiboloy na itigil ni Apolinario ang panloloko umano sa kapwa gamit ang pangalan ng Diyos para sa mga donasyon na ginagamit raw sa pyramiding scam.

“Dahil nanloloko ka at ginamit ang salita ng Diyos, humanda ka sa akin kung hindi kaligtasan ang inyong dala! Kakaladkarin talaga kita patungo sa impiyerno. Huwag kang gumamit sa mga salita ng Diyos upang pagtakpan ang mga ginawa ninyo na mga kalokohan,” ayon kay Quiboloy sa report ng Bombo Radyo.

Matatandaan na sinabi ni Quiboloy na hindi dapat sisihin ng Kapa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasara ng kanilang mga opisina sa Mindanao region. Ayon sa Kapa, ang religious group ni Quiboloy ang nagpasimula ng crackdown sa kanilang samahan dahil umuunti umano ang kanilang mga miyembro dahil sa Kapa.

“Panloloko iyang iyo. Tapos sino sisisihin mo, si PRRD? Ako? Wala kaming pakiaalam. Gobyerno natin to, magpasakop ka. Pastor ka naman,” ayon kay Quiboloy sa report ng ABS-CBN.

“Tatanungin kita, may nakuha ka bang mga miyembro kasi religious ka? Kasi nagsermon ka at naniwala sila sayong si Jesus Christ ang tagapagligtas? Nakapila sila sa opisina mo dahil sa pangakong mong 30 percent,” giit pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?