62

By

Qualls nilaklak ang Ginebra

Umiskor si Michael Qualls ng 30 points, kumalawit ng 13 rebounds at nag-isyu ng 5 assists upang pamunuan ang NorthPort sa pagpasok sa quarterfinals tapos itakas ang 98-96 desisyon kontra Barangay Ginebra San Miguel sa 44th PBA Governor’s Cup elims, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumulong din si Sean Anthony na naghulog ng 18 markers, 6 boards at 6 feeds habang, si Christian Standhardinger ay mayroong 17 pts., 11 rebs. at 2 assists upang ibigay sa Batang Pier ang ikalimang panalo sa loob ng 11 laro para tuntungan ang ikapitong puwesto.

“Masaya kami dahil nanalo at nakapasok sa quarterfinals pero siyempre kailangan namin agad na maghanda dahil hindi pa namin alam kung sino ang makakalaban namin na sunod,” sabi ni NorthPort coach Pido Jarencio.

May pagkakataon ang Gin Kings na agawin ang panalo subalit sumablay si import Justin Brownlee sa jumper at follow-up ni Japeth Aguilar sa natitirang 2.5 segundo upang mapigilan ang dalawang sunod na pagwawagi at manatili sa 7-4 panalo-talong record.

Nahulog ang Ginebra sa ikaapat na puwesto at posibleng maagawan ng dalawang beses tataluning insentibo depende sa magiging resulta ng pinakahuling laro sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT Katropa.

Ang iskor:

NorthPort 98 – Qualls 30, Anthony 18, Standhardinger 17, Ferrer 11, Taha 7, Cruz 6, Lanete 5, Mercado 2, Elorde 2, King 0.

Ginebra 96 – Brownlee 31, Pringle 18, Tenorio 15, Aguilar 14, Thompson 7, Chan 4, Dela Cruz 4, Devance 3, Mariano 0, Caperal 0.

Quarterscores: 20-29, 51-52, 75-73, 98-96.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?