173

By

Pwedeng artista! Eya Laure dyosa sa ABS-CBN Ball 2019

Kung noong nakaraang taon ay rookie si Eya Laure sa UAAP, nitong Sabado ay bagong challenge na naman ang kanyang sinuong.

‘Yon ay ang pagrampa kasabay ang mga pangmalakasang artista sa ABS-CBN Ball 2019.

Ngunit bago makipagsabayan sa nasabing grand event ng Kapamilya network, naglaro muna si Laure sa Premier Volleyball League Collegiate Conference para sa UST kung saan nakapuntos siya ng 20 kontra Arellano at dalhin ang panalo, 25-21, 25-23, 22-25, 25-23.

“Rookie ako ball eh, hindi ko rin alam kung ano ang galawan doon,” ayon kay Laure, na ilang oras ang nakalipas ay nagsaboy na ng kagandahan sa kanyang black dress na dinisenyo nina Mark Tamayo at Louver del Castillo.

“Kapag doon babae tayo doon ganoon,” aniya pa, na sinegundahan naman ng kanyang coach na si Kungfu Reyes.

Dumating bilang strong, independent woman si Laure sa ball, walang escort sa kanyang tabi, na mas lalo umanong kinakaba ng last year’s Rookie of the Year.

Ngunit hindi ito halata sa aura ng magandang balibolista, lutang ang kagandahan nito na tila isang tigre sa pagiging fierce.

Sa social media ay maraming pumuri sa naging look ni Laure, sabi pa ng iba ay papasang artista ang UST star.

“She looks beautiful pang artista ang dating niya.. simple lang!!! Di lang pang SPORTS pang ARTISTA PA!” ayon kay Roland Kabayan Ronquillo.

“ganda talaga ni eya slaya laure huhu grabe po genes,” sey naman ni @xccyss.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?