55

By

Pwede ba ‘yun? Aktres duda sa police escort ni Jo Koy sa Cebu

Nabilib ang Fil-American comedian na si Jo Koy dahil sa bilis ng kanyang biyahe sa Cebu City na mula dalawang oras ay naging 15 minuto na lang.

Ngunit maalat dito ang Pinay aktres na si Chai Fonacier.

Sa kanyang tweet, napatanong si Fonacier kung pwede ba ang ginawa ng mga police escort na nag-counterflow sa kalsada.

“Can someone enlighten me re: rules on providing police escorts? I’m not sure I’m liking this,” ayon kay Fonacier.

Sa ilalim ng PNP Memo Circular No. 2017-049, tanging Presidente, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House Representatives, Chief Justice of the Supreme Court at ibang authorized government official at foreign delegates sa mga national event lang pwede ang mga police escort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?