84

Jan 11, 2020 @ 21:00

PVL: De Jesus tumalon sa Creamline

Malakas na, nagpalakas pa!

Kinuha ng tigasing Creamline Cool Smashers si Ella de Jesus bilang paghahanda sa paparating na Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Makakasamang muli ni ‘Ella-vator’ ang mga former Ateneo teammates na sina Alyssa Valdez at Jia Morado.

Nagsama ang tatlo sa back-to-back title ng Lady Eagles taong 2014 at 2015 sa ilalim ni coach Tai Bundit.

Bago tumalon sa Cool Smashers ay miyembro ng BanKo Perlas si de Jesus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?