33

Feb 8, 2020 @ 10:04
By

PVF-Tanduay Athletics beach volley sa Peb. 9

Bibida ang mga batang beach volleyball player sa pagratsada ng Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships sa Pebrero 9 sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.

Magpapasiklab sa libreng torneo na bahagi sa programa ng grassroots sports development ng PVF sa pamumuno ni president Edgardo Cantada ang mga koponan galing Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro Manila.

Libre ang pagsali, may libreng pagkain at inumin din ang maaasahan ng mga lalahok sa torneo at programa ng PVF kasama ang pamilya Cantada. Mamamahala sa torneo ang PVF official at licensed referees at umpires.

“No entry fees providing equal opportunities. Competent PVF licensed game officials providing fair and effective officiating. Sunday’s much awaited beach volleyball event promises to be a very exciting and entertaining as always,” ani Cantada.

Mayroong 32 koponan — tig-16 sa boys at girls divisions — ang papalo sa torneo na mga suportado rin ng Toyota Marilao, VItaMilk at ni PVF Chairman, Pampanga Rep. Mikey Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?