187

By

Pumuputok pa bulkan, rehab agad? Netizen nanggalaiti kay Salceda

Binara ng netizen si Albay Congressman Joey Salceda matapos nitong mag-propose ng Taal Eruption Recovery Rehabilitation and Adaptation Plan na magkakahalaga umano ng P60 bilyon hanggang P100 bilyon.

Ani @leisbeth_recto, paano nakuwenta ni Salceda na P100 bilyon ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Taal samantalang nagpapatuloy pa ang aktibidad ng bulkan.

Alam na raw ba ng kongresista ang kabuuang pinsala ng pagsabog ng bulkang Taal para magpanukala agad ng budget para sa rehabilitation.

Ni hindi nga umano alam ng kongresista kung paano tulungan ang mga nasalanta at puro korapsyon ang nasa isipan.

“Patuloy pa rin ang pagputok ng bulkang Taal pero may proposed rehabilitation budget na agad? Wow! Bakit alam n’yo na ba sa ngayon ang extent ng damages para makuwenta n’yo na P100-B ang kakailanganin? May nag-imbestiga o nag-aral na ba dito? O wala lang?” giit ni @leisbeth_recto.

“Itong kumag na tongressman na ‘to, magpo-propose na daw agad ng rehabilitation ng Taal? Ni hindi nyo pa nga alam kung paano tutulungan ang mga nasalanta eh! Puro kayo korapsyon! Sanamagan,” dagdag pa ng netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?