43

By

Pumirma sa petisyon para sa Angkas, umabot sa 169K

Lumampas sa 169,000 ang pumirma ng petition sa change.org para hayaang ipagpatuloy ang serbisyo ng Angkas at suportahan ang paglatag ng mga regulasyon para sa mga motorcycle traxi sa bansa.

Ang petisyong #SaveAngkas ay sinimulan ni George Royeca ng Angkas isang taon na ang nakalilipas.

December 12, 2018 nag-isyu ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema laban sa injunction ng Regional Trial Court na pumipigil sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa paghuli sa mga Angkas rider.

Ayon sa petisyon, malinaw na gusto ng LTFRB na mag-crackdown sa mga Angkas rider kahit na ilang ulit na silang naglatag ng alternatibong solusyon sa LTFRB para makausad ang isyu.

Dagdag pa ng Angkas, nagprisinta pa nga ito noong December 2017 na itigil ang operasyon para makipag-usap sa LTFRB at nagmungkahi pa ito ng pilot program ng Angkas na mababantayan ng LTFRB ng mahigpit.

Nung panahon na iyon, sinabi ni Royeco na ang safety record ng Angkas ay nasa 99.997%.

Umaabot na sa 70,000 na motorcycle driver ang binigyan ng libreng training ng Angkas.

Nagbibigay din ang Angkas ng helmet at accident insurance para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero nito.

Nag-alala ang mga pasahero sa pagkawala ng Angkas, bukod kasi sa mas mura ito kaysa sa Grab, mas mabilis pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?