263

By

Pumatay sa United Auctioneers CEO, kilala na ng pulisya

Tukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagpatay kay Dominic Sytin, ang chief executive officer ng United Auctioneers.

Ayon sa report ng Inquirer.net kilala na ng pulisya ng Central Luzon ang bumaril kay Sytin noong nakaraang buwan sa labas ng hotel sa Subic Bay Freeport.

Gayunpaman, hindi pinangalanan ang nasabing suspek para mapangalagaan ang operasyon ng pulis sa paghuli at pagmamanman sa gunman.

Saad ni Chief Supt. Joel Napoleon Coronel sa Inquirer, nakikipag-ugnayan na ang regional police sa Criminal Investigation and Detection Group, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Si Sytin ay pinaslang noong Nobyembre 28 ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?