594

By

Pulong inupakan si Puyat: Napupuyat ako sa babae na ‘to!

MANILA – Nagulantang ang mga miyembro ng Kamara nitong Huwebes ng gabi matapos upakan ni House Deputy Speaker at Davao City Cong. Paolo Duterte si Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat sa kalagitnaan ng pagtalakay sa panukalang P4.1-trilyong budget para sa susunod na taon.

Bandang 8:45 p.m. nang tawagin ni Deputy Majority Floor Leader Juan Pabloc Bondoc ng Pampanga si Duterte para sana sa maikling paglilinaw matapos talakayin ng Mababang Kapulungan nitong Martes ang panukalang P3.8 bilyong budget ng Department of Tourism para sa 2020.

Ayon kay Duterte, lilinawin niya sana dapat kay Puyat ang ilang isyu na may kinalaman sa pamamalakad nito sa DOT matapos makatanggap ng mga sumbong sa umano’y mga sablay na kontrata at proyekto na pinasok ng ahensya.

“It has come to my attention that there have been several complaints in the management style of Sec. Romulo Puyat in relations to the approval of contracts and projects in her department,” saad ni Pulong.

Paliwanag ni Pulong, nakatakda dapat sana niyang kilatisin ang budget ng DOT noong Martes ng hapon upang isa-isang himayin ang mga sumbong na natanggap niya laban kay Puyat, subalit pinayuhan siya ni House Speaker Alan Peter Cayetano na direktang kausapin na lamang ang kalihim.

Salaysay pa ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Ang buong akala ko ay maganda ang ikakabunga ng aming pag-uusap. ‘Yun pala ay mauuwi lang sa sumbungan at mga maling paratang laban sa akin—at alam niyo na esteem colleagues kung kanino.”

“After I had discussed my complaints with Secretary…. taas sa buni? Puyat—napupuyat ako sa babae na ‘to—in the presence of our Speaker, I thought that was the last of it,” saad ng batang Duterte.

Hindi binanggit sa plenaryo ni Cong. Duterte kung ano ang ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan ni Puyat subalit giniit niya na hindi siya magbibingi-bingihan na lamang sa mga sumbong at iba pang reklamong kanyang natanggap laban sa palakad ng kalihim.

“I wanted to clarify these issues because it’s my right and sworn duty as a member of this esteem chamber to ask questions and thus, interpellate any of my fellow legislator on the floor,” dagdag pa ng kongresista.

Hirit pa ni Pulong, napapanahon na upang malaman ng publiko ang tunay na kulay ni Puyat.

“Ako po ay naniniwala na dapat po ipabatid natin sa lahat ang mga pangyayaring ito nang sa gayon ay malaman ng ating mga kababayan ang tunay niyang karakter at pag-uugali,” paliwanag ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?