64

By

Pulis tinumba sa loob ng restaurant sa Maynila

Binaril at napatay ang isang police officer sa loob ng isang restaurant sa Malate, Manila, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nanonood ng TV si Staff Sergeant Roel Orihuela, 47, sa loob ng restaurant sa Arellano Ave. kanto ng Don Pedro St., nang lapitan siya ng dalawang gunman dakong alas-8:45 ng gabi.

Matapos mapatay ang biktima, agad tumakas ang mga suspek sakay ng iisang motorsiklo.

Dinala si Orihuela ng kanyang kapatid sa Ospital ng Maynila ngunit dineklara itong dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?