2,421

By

Pulis sinabuyan ng taho ng sinitang Intsik sa MRT

Isang babaeng Intsik ang hindi agad pinapasok ng isang pulis sa Metro Rail Transit (MRT) station dahil sa dala nitong taho.

Usap-usapan sa social media ang post ng isang Pau Mesias kung saan makikita ang mga larawan ng babaeng dayuhan at isang pulis na nadumihan ang damit at bahagi ng mukha at braso dahil sa pagtapon ng taho.

Sa isang larawan ay nakapamaywang pa ang babae habang tila sinasagot ang pulis.

Ikinagalit ng mga netizen ang ginawang ito ng dayuhan sa pulis na binabantayan lang naman ang kaligtasan ng mga pasahero mula sa banta ng pagpapasabog.

Napag-alaman ng Abante mula sa may-ari ng post na pitong taon na umano ang naturang dayuhan sa Pilipinas ngunit hindi pa rin ito marunong rumespeto ng Pinoy.

Ayon pa sa isang source ng may-ari ng post, nag-aaral ang nasabing dayuhan sa SoFA Design Institute.

Makikita rin sa larawan na dinala sa presinto ang foreigner.

Kinilala ng mga pulis ang babae na si Jiale Zhang, 23-anyos na siyang nagtapon ng taho kay Police Officer 1 William Cristobal.

Ipinagbabawal na ang pagdadala ng anumang uri ng liquid sa MRT at LRT para sa seguridad ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?